Mga dapat gawin kapag may CHECKPOINT
1. Alamin kung isa itong tunay na CHECKPOINT:
Dapat madali itong makita at makilala at dapat ding nakauniporme ang mga pulis.
2. Habang nagmemenor para tumigil matapos patabihin ng Pulis, i-dim ang iyong headlights at i-on ang iyong cabin light.
3. Huwag na huwag bumaba ng iyong sasakyan.
4. I-lock ang lahat ng mga pinto ng iyong sasakyan dahil visual search lang ang pwedeng gawin ng mga Pulis.
5. Huwag na huwag pumayag magpa-body search.
6. Tandaang hindi mo kailangang buksan ang iyong compartment o mga bag.
7. Kapag tinatanong, maging magalang at huwag magpanic.
8. Ihanda ang iyong lisensya at rehistro ng sasakyan.
9. Ihanda ang iyong cellphone para mas madaling i-dial ang mga emergency number kapag ginipit ng Pulis.
10. I-report kaagad sa mga awtoridad ang anumang mga violations.
Tandaan: makakatulong din ito upang madaling malaman kung ito ba ay lehitimong CHECKPOINT o modus operandi lang ng masasamang loob.
Photo courtesy of GMA's IMready.